Tuesday, August 17, 2010

P.U.P. (Paaralang Uber Pinagpala)

P.U.P., P.U.P., aming Sintang Paaralan
Kung saan upuan at mesa’y nagliliparan
Antigong pasilidad, aktibong aktibismo,
Yun na ba ang kabuuan, ang lahat-lahat sa ‘yo?

Pag-eksena mo sa You Tube, hits ay libo libo
Sa world wide trending sa Twitter, pang-numero uno
Parang promo, “But wait, there’s more” trivias tungkol sa ‘yo
Isa-isahin natin ang laman ng profile mo.

Sa PUPCET Application kailangan ng tibay
Sa haba ng pila, pasok sa Guinness, pamatay
Dose pesos kada yunit, for the Madlang Pipol
Edukasyong de kalidad, matindi kang sampol.

High school seniors na pumasa sa entrance exam mo
Sinanay sa ingay na hangad ay pagbabago
Kaliwa’t kanang daing, ang ilan ay pasigaw
Wa-epek sa iskolars na sa dunong ay uhaw.

Sa kabila ng mga pula’t batikos sa ‘yo
Kasing tibay ka ni Ted na half-marmol, half-tao
Sa seatworks mo pa lang, nosebleed na ang mga Conyo
What more when they hear your manong guards na ingglisero?

At mga bahagi mo’y hindi lang kontrobersyal
Sapagakat ang karamihan ay ubod ng mahal
Kung ‘di dahil na rin sa katangian ng ilan
Na sadya namang karapat-dapat pag-usapan.

Imbakan mo ng tubig na wirdo ang disenyo
‘Di maiwasang magtanong, “Yun ba ay U.F.O.?”
Iyong infamous lagoon, hindi rin papahuli
Tambayan ng marami, kakulay man ng green tea.

Tinitipid ka raw sabi ng nakararami
Denial mode ka agad, mabilis na tumanggi
Pruweba mo sa lahat ang yong pagpapaganda
Nakuha mo ngang gayahin ang Great Wall of China.

At kung fashion statement naman ang pag-uusapan
Magpapahuli ba d’yan ang mga PUPian?
Rakista, Yuppie, pang-kulto, crossdressers ay meron
Animé, hip-hop, casual, Emo, pati Jejemon.


Salat ka man sa maraming pangangailangan
Sa dami ba naman ng sa ‘yo ay nananahan
Kung sa Facebook Like kita, sa Twitter I am a fan
UNO sa classcard ng bawat Iskolar ng Bayan.

‘Di umano’y dumaranas ng discrimination
Kapag sa ‘yo ginugol ang college education
What the… pakialam namin, for us you are the best
Be it public or private, you’re a cut above the rest.

Pasasaan ba at magkikita tayong muli
Ikaw na “King of All Media”, sa balita’y suki
Sa ‘yo ay nagpupugay bawat Isko at Iska
Salamat sa mga taong kami’y kinalinga.

August 16, 2010

No comments:

Post a Comment